Pilipino sa Makabagong Panahon

March 21, 2010 at 1:18 pm (Uncategorized)

Ang blog na ito ay binuo ng isang grupo ng mag-aaral mula sa Pamantasang Ateneo de Manila bilang proyekto para sa kursong FIL12 o Sining ng Pakikipagtalastasan II na kinabibilangan nina Ian Alcantara, Janelle Chenglay, Sydney Lau, Alfonso Piquero at Finella Zarate, sa ilalim ng pamamahala ni Bb. Kristine Romero ng Kagawaran ng Filipino.

Nilalayon ng blog na ito na maibahagi sa mga mababasa kung ano nga ba ang isang makabago o modernong pilipino sa pamamagitan ng iba’t ibang sanaysay na tatalakay sa iba’t ibang aspeto ng lipunan.

Ano nga ba ang isang “modernong Pilipino?”

Sa ating panahon, dulot na rin ng mga pagbabagong teknolihikal, nag-iiba ang pamumuhay ng mga Pilipino. Mula sa mga kalesa at paragos, hanggang sa mga e-trike, e-jeepney at mga mega train (tulad LRT at MRT). Mula sa mga liham na pinapadala pa ng mga kartero, hanggang sa mga SMS (short message service), electronic mails, at mga instant messaging services.Tila nagbago at nasanay na sa mabilis at “high-tech” na pamumuhay ang mga Pilipino. Kasama ng mga pagbabagong ito ang parehong mabuti at masamang epekto. nagiging maparaan tayo upang maghanap ng mga solusyon sa mga problemang ating hinaharap at napagyayaman ang ating mga kakayahan. Ngunit sa kabilang banda, nawawalan tayo ng kumpiyansa sa sarili at kadalasang nauuwi sa paggawang ilegal. Sa tulong ng mga sanaysay na aming sinulat na may paksang labis na pinili’t pinag-isipan, bibigyan namin ng kalinawan ang mga paksang ito at kung maaari, mabigyang kamalayan ang aming mga mambabasa tungkol sa kung ano ang ating tunay na identidad.

Lahat ng mga sanaysay ay matatagpuan sa kanang bahagi ng pahinang ito, sa ilalim ng Pages Tab.

Permalink Leave a Comment