Pagkalugi: Epekto ng “Brain Drain”

ni S.R. Lau

“Brain drain or human capital flight is a large emigration of individuals with technical skills or knowledge, normally due to conflict, lack of opportunity, political instability, or health risks.”1 Ito ay itinuturing bilang isang pang-ekonomiya na pagkawala / gastos dahil sa pagkawala ng pamumuhunan ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga propesyonal na nag-aalok ng kanilang mga serbisyo sa mga ibang bansa.


Pera na ipinadala sa pamamagitan ng OFWs pabalik sa Pilipinas ay isang pangunahing kadahilanan sa ekonomiya ng bansa, umaabot sa higit sa US $ 10 bilyon noong 2005. Ang kinalabasan ay ang pagiging ika-apat sa pinakamalaking nagtatanggap ng mga banyagang pagpadala ng pera. Ang India, China, at Mexico lamang ang mga naguguna dito. Kumakatawan ang halaga sa 13.5% ng GDP ng Pilipinas, ang pinakamalaking proporsyon sa mga lokal na ekonomiya sa pagitan ng apat na nabanggit na bansa.2

Mga lugar na madaling nakakaranas ng “brain drain” ay ang mga bansa na walang isang malinaw na sistema na kung saan na papangalagaan ang pagdaradag na pangangailangan ng isang lumalagong populasyon. Kadalasan ang mga bansang ito ay mayroong iba pang mga bagay na tumulong sa pagdagdag ng sama ng loob ng “labor force” tulad ng pabagu-bago ekonomiya, delikadong pampulitikang sitwasyon at dahilan din ang kakulangan ng epektibong pamamahala ng pamahalaan.3 Nakakatakot sa mga manggagawa ang lahat ng mga aspeto, dahil sa ang katunayan na ang mga Pilipino, tulad ng karamihan sa mga tao, naghahanap ng seguridad sa kanilang buhay. Ang gusto lamang nila ay makatulong sa kanilang mga pamilya: panatilihin ang mga ito ng ligtas, may lukob at may pagkain. Gayunman, maaari sabihin na ang lahat ng mga naisaad na aspeto ay nangongontra sa mga hinahangad ng mga Pilipino: katatagan at kapayapaan.

Mahina ekonomiya at delikadong pampulitikang sitwasyon ay dumadako sa loob ng mga Pilipino na hindi magtrabaho sa kanilang sariling bansa. Dahil nakikita nila na ang kanilang mga lider ay walang anumang bagay na ginagawa para mabawasan ang kanilang mga paghihirap, mas inaayawan nila magtrabaho para sa kanilang bansa. Dinadahilan nila na ang pamahalaan ay hindi maaasahan, tanging nangongorakot lamang ang mga opisyal. Ang mga pampulitikang lider na ibinoboto sa kapangyarihan upang makatulong sa mga masses ay nagaaway-away lamang sa pagitan ng kanilang mga sarili tungkol sa kung paano nila madadagdag na kani-kanilang pera at kapangyarihan. Nagsisilbi ang mga halimbawa na katulad nina Pangulong Gloria at ang kaniyang Hello Garci na isyu, si Erap at ang kaniyang jueteng iskandalo na humantong sa kanyang pagtataluwalag, upang ipakita na ang mga opisyal ng pamahalaan ay walang ginawa kung hindi nagsisikap na mapangalanan ang kanilang kapangyarihan higit sa mga tao na umaasa sa kanila. Pinipilit ng mga sakim na lider na ito na maghanap ang mga Pilipino ng kanilang sariling paraan na pamumuhay. Ang kinalabasan nito ay karamihan sa mga Pilipino namili na magtatrabaho na lamang sa ibang bansa.

Isa pang dahilan ng kawalang-kasiyahan ng “labor force” ay ang mababang suweldo at kakulangan ng mga benepisyo sa inaalok ng kumpanya. Dahil nakatira sila sa isang mundo na kung saan patuloy-tuloy ang pagtataas ng presyo ng bilihin habang ang kanilang mga suweldo mananatiling isang patag na linya, karamihan sa mga Pilipinong manggagawa ay sapilitang na naghahanap ng isang side-job o sa makahanap ng ibang trabaho. Kasalukuyang nalalaman ng karamihan sa mga Pilipino na sa kabila ng magandang pag-aaral na kanilang nakamit, ito ay hindi pa rin sapat na upang masakop ang mga gastusin. Nagbabayad ng maliliit na halaga ang mga propesyonal na trabaho sa Pilipinas. (Nagpapakita ng pananaliksik na ang pederal na “minimum wage” sa US ay $ 7.25 bawat isang oras o humigit-kumulang sa P326.25 bawat isang oras, na kung saan sa Pilipinas, ang “minimum wage” ay P380 bawat araw.) 4 Ito ang pinakang-madalas na dahilan kung bakit maraming ang mas ginugusto na magtrabaho sa ibang bansa (upang kumita ng mas maraming pera).

Gayundin, maaaring nating masabi na ang kumpanya na naka-base sa Pilipinas ay hindi masyadong gumagawa ng sistema upang panatilihin ang kanilang mga empleyado. Karamihan sa mga kumpanyang ay umasa sa na mahirap makakuha ng trabaho sa bansang ito, dahil dito, napipilitan ang kanilang mga empleyado na tumanggap ng mas mababa kaysa sa kung ano ang karapat-dapat sila; walang iniiwan na opsyon kung hindi tanggapin ang anuman na inaalok ng mga kompanya. Ilang taon na ang nakalipas, ang mga kompanya sa Pilipinas ay nakatutok pa rin sa ideya ng sahod at suweldo sa halip na mga benepisyo.5 Ang mga benepisyo pakete karaniwang umaabot na hindi humihigit sa 30 porsiyento ng buwanang suweldo ng isang tagapag-empleyo at mga gastos sa pasahod. 5 Sapagkat nag-aalok ang mga dayuhang kompanya ng mga benepisyo sa kalusugan, pabahay at pagkain upang panatilihin ang kanilang mga empleyado. Dahil sa ganitong kalagayan, maraming pumili na pumunta kung saan ang buhay ay mas maginhawa.

Subalit, kapag nangyari ito sa isang malaking proporsyon, hindi maiwasan ang epekto ng “brain drain”. Hindi alam ng mga Pilipino na isang pansamantalang solusyon lamang ang pagtatrabaho sa ibang bansa. Kung ipapatuloy ang “brain drain” sa ating bansa ay magiging  tulad ng isang mumunting alon sa lawa, lumalaki na lumalaki habang tumatagal. Kapag maraming ang mga propesyonal na umalis sa trabaho para sa ibang bansa, ano ang maiiwan kung hindi isang malaking butas sa ekonomiya ng bansa at ‘working industry’. Dahil dito na pipilitan din ang pamahalaan na mahanap ng paraan upang punan ang butas na ito, kahit na ito ay nangangahulugan na ang mga taong mapipili ay may mas mababang kalidad. Ngunit hindi lamang ang mga tao ang may kasalanan. Ang pamahalaan ay may bahagi sa pagsisisi dahil sa hindi pagtupad sa kanilang mga tungkulin tungo sa kanilang mga tao. Ang kakulangan ng mga batas at mga patakaran na idinisenyo upang tulungan ang mga taong nakatira sa ilalim ng ‘poverty line’ ay pinipilit ang mga Pilipino na maghanap ng mas malalang solusyon. Pinipilit ang mga Pilipino na isuporta ang kanilang sarili, kahit papel naman ito ng pamahalaan.

Tulad ng nasaad kanina, isang hindi maiwasan na epekto ang “Brain Drain”, mas lalo pa sa mga bansa na kung saan ang mga miyembro ay nakatutok sa kanilang indibidwal na pamumuhay. Para sa bawat Pilipino propesyonal na napupunta sa ibang bansa, iyon ay isa pang miyembro ng komunidad na nawala; yung miyembro na iyon na maaaring sana makatulong sa iba. Hangga’t patuloy ang mga Pilipino sa pag-iisip tungkol lamang sa kanilang mga sarili, bilang hiwalay mula sa isa’t-isa, hindi kailan man mangyari ang pag-uunlad.

—————————–

1 Wikipedia, “Brain Drain,”Wikipedia, <http://en.wikipedia.org/wiki/Brain_drain/&gt; (accessed 24 Feb 2010).

2 Wikipedia, “Overseas Filipino,” <http://en.wikipedia.org/wiki/Overseas_Filipino/&gt; (accessed 24 Feb 2010).

3 VB, “Why Filipinos Prefer to Work Abroad?” ofw-connect, Nov 2004, <http://www.ofw-connect.com/myarticle/why_work_overseas.htm&gt; (accessed 24 Feb 2010).

4 Wikipedia, “List of U.S. Minimum Wages,” <http://en.wikipedia.org/wiki/List_of_U.S._minimum_wages/&gt; (accessed 24 Feb 2010).

5 Ames Gross, “Human Resources in the Philippines,” Pacific Bridge Incorporated, Spring 1999, <http://www.pacificbridge.com/publication.asp?id=10&gt; (accessed 24 Feb 2010).

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: